Ilang residente sa Maynila, Cavite #WalangTubig ‘gang Peb. 17

Ilang residente sa Maynila, Cavite #WalangTubig ‘gang Peb. 17

February 16, 2023 @ 8:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy na makararanas ang ilang residente ng Metro Manila at Cavite ng #WalangTubig o pagkaputol ng serbisyo ng tubig hanggang Pebrero 17, 2023.

Apektado ang ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay at Bacoor, Cavite City, Imus, Noveleta at Rosario sa Cavite ng lima hanggang 21 oras na pagkaputol ng serbisyo ng tubig.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig.

“Aware po tayo na hindi ganun kaganda yung quality o yung water quality sa Laguna Lake. So naapektuhan po kami ng amihan noong nakaraang linggo. Yung amihan mas malakas po yung hanging papasok sa aming planta, so nabubulabog po yung silt na nakadeposito sa lake bed at yun po ang nagpapalabo ng tubig,” paliwanag ni Ronald Padua, Maynilad Water Supply Operations head.

Naglaan ang Maynilad ng P220 bilyon mula ngayong taon hanggang 2027 para sa imprastraktura ng tubig at wastewater para mapabuti ang kanilang mga serbisyo. RNT