Ilang sektor ng lipunan, tinagurian ni PBBM na makabagong bayani

Ilang sektor ng lipunan, tinagurian ni PBBM na makabagong bayani

November 30, 2022 @ 12:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang sektor ng lipunan sa hanay ng mga makabagong bayani.

Sa naging mensahe ng Pangulo sa ika-159 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinabi nitong kayang gawin ng bawat isa na maging pinakamahusay na uri ng kanyang sarili.

Winika ng Pangulo na magagawa aniya ito katuwang ang mga makabagong bayani gaya ng mga doktor, mga nurse, mga sundalo, mga pulis at mga OFW.

Naipapakita aniya ng mga makabagong bayani na ang bawat isa ay may angking kakayahan na makagawa ng kabutihan sa lipunan at pamayanan.

Sa pamamagitan aniya nito ay maaaring maging bayani ang bawat isa batay sa kani- kanilang pamamaraan at kontribusyon sa lipunan. Kris Jose