Ilang sekyu iniimbestigahan sa pagkahulog ng admin aide sa isang gusali sa Malacanang

Ilang sekyu iniimbestigahan sa pagkahulog ng admin aide sa isang gusali sa Malacanang

July 14, 2022 @ 5:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang ilang lady security guard ng Malacanang makaraang mahulog mula sa ika-apat na palapag ng Mabini Hall sa Malacañang Compound ang administrative aide ng Palasyo na si Mario Castro.

Ang naturang mga lady guard ay pawang mga nakatalaga sa nasabing palapag ng gusali nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat ni PLt.Adonis Aguila , hepe ng Manila Police District – Homicide Section na isinumiti kay Police Brigadier General Leo “Paco” Francisco , Director ng MPD’, Huwebes ng  umaga ng makarinig ng kalabog ang ilang Security Guard na nasa ilalim ng Agilex Security Agency.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam kung may naganap na foul play habang isinailalim sa awtopsiya ang kanyang bangkay

Nauna nang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing na ang biktima ay isang administrative aide at nahulog mula sa ika-apat na palapag ng Mabini Hall sa loob ng compound ng Malacañang.

Si o Castro ay nakatalaga sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

Sinabi din Cruz-Angeles na ang Presidential Security Group at ang Philippine National Security Force Unit ay nakikipag-ugnayan sa imbestigasyon sa insidente.

Idinagdag niya na “gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang pamilya ni Castro.

Nabangit din nito na nakahanda namang bigyan tulong pinansiyal ang mga naulila at mag karoon ng   maayos na libing. Jocelyn Tabangcura-Domenden