Ilang senador nakiramay sa pagpanaw ni Lydia de Vega

Ilang senador nakiramay sa pagpanaw ni Lydia de Vega

August 11, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakidalamhati ang ilang senador sa pagpanaw ng sprint legend Lydia De Vega sanhi ng stage 4 breast cancer sa Makati Medical Center matapos ang brain surgery noong Hulyo 2022.

Sa magkakahiwalay na pahayag, nakiramay sa pamilya ni De Vega sina Senador Win Gatchalian, Risa Hontiveros, Manuel Lapid, Robin Padilla, at Joel Villanueva.

Nitong 2018, nadayagnos si De Vega ng stage 4 cancer na noong Hulyo 2022, inihayag ng anak nitong si Stephanie na sumailalim sa brain surgery ang kanyang ina na nasa “critical condition.

Kanina, pumanaw si De Vega sanhi ng naturang sakit sa Makati Medical Center.

“I join the Filipino nation in mourning the passing of Lydia De Vega, one of our most beloved icons whom we fondly remember as Asia’s Fastest Woman during the 1980s. Throughout her historic and decorated career, Lydia de Vega not only ruled the race tracks, she also won the hearts of Filipinos for her world-class talent which rallied our country to a great sense of national pride and honor,” giit ni Gatchalian sa pahayag,

“I would also like to honor the memory of Lydia De Vega as a role model to a younger generation of Filipino athletes, especially the young women who are bent on breaking both barriers and records to uplift our country’s spirit,” dagdag niya.

Umaasa si Gatchalian na patuloy na magiging inspirasyon ng kabataan ang buhay ni De Vega at isang magandang halimbawa na nagpakita ng pinakamahusay na maaaring pantayan ng ating kababayan sa anumang larangan sa mundo.

Tulad ni Gatchalian, nagpahatid din ng lubos na pakikiramay si Hontivero sa track titan at Asian’s sprint queen.

“Lydia de Vega left an everlasting international legacy and the impact of her spirit cements her as one of our best. As an elite athlete and 2-time Olympian, her feet were magical when she ran track,” ani Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na bilang coach at trainer, naging inspirasyon ng Filipino ang competitive spirit na maging pinakamahusay.

“Truly, Lydia de Vega lived the life of a true legend: showing the world how to be a champion in athletics and a hero to others beyond the world of sports,” aniya.

“We share the grief of the nation and offer our sympathies to all her family and friends,” dagdag ng senador.

Lubhang ikinalungkot naman ni Lapid ang pagpanaw ni De Vega dahil iginupo siya ng sakit pero kahit kalanman, hindi mabubura ang iniwan nyang alaala ng galing at husay ng pagiging isang atleta Pilipino.

“Paalam at salamat, Lydia De Vega. Saludo kami sa iyo!,” ayon kay Lapid.

Nakiisa din si Padilla sa paglulukha ng buong bansa sa pagpanaw ng ng isang alamat – ang Asia’s Sprint Queen na si Lydia de Vega-Mercado.

“Hindi natin malilimutan ang karangalang ibinigay niya sa ating mga Pilipino mula noong dekada 1980s. Dahil sa kanya, naging kahanga-hanga ang Pilipinas sa ating karatig bansa,” aniya.

“Pero higit pa rito, atin siyang dapat pasalamatan sa inspirasyong ibinigay niya sa atin, hindi lamang bilang atleta at bilang Pilipino. Salamat po at paalam, Ma’am Diay!,” patapos ng senador.

Sinabi naman ni Villanueva na isa nitong child hero si De Vega nna pawang kapwa Bulakenyo ang icon ng

“Naging inspirasyon po natin siya bilang isang atleta na nabigyan ng pagkakataon na mai-represent nang dalawang beses ang Pilipinas sa international competition sa larangan ng basketball. Ang aking lolo na si Joaquin Villanueva ay isang Olympian at sprinter katulad niya,” ayon kay Villanueva.

“Rest in Peace sa Asia’s Sprint Queen. Maraming salamat sa inspirasyon at karangalan na ibinigay mo sa ating bansa,” ayon pa kay Villanueva. Ernie Reyes