Ilang sikat na pagkaing Pinoy gagawan ng national standard – DTI

Ilang sikat na pagkaing Pinoy gagawan ng national standard – DTI

July 11, 2021 @ 3:16 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bumuo na ang Department of Trade and Industry ng isang technical committee na magdedetermina ng Philippine National Standards pagdating sa pagluluto ng ilang mga sikat na pagkaing Filipino.

Ayon sa DTI, pangungunahan ni Chef Glenda Barretto, founder ng Via Mare Corporation, kasama sina Chefs Myrna Segismundo at Raoul Roberto Goco mula sa Food Writers Association of the Philippines and Hotel and Restaurant Association of the Philippines ang nasabing komite.

Layon nila na bumuo ng National Standards sa pagluluto ng adobo, lechon, sinigang, at sisig, ayon sa DTI. Nauna nang binubuo ng Bureau of Philippine Standards ng DTI ang standard sa pagluluto ng adobo.

Nangangahulugan ito na madetermina ang basic na Philippine adobo bilang benchmark.

“As long as I have, say one to three steps, it’s this recipe,” ani Segismundo. “Anything else you add to it is a variation to the cooking technique.”

Ayon sa byuro na sa pamamagitan ng pagdetermina ng benchmark sa pagluluto ng isang pagkain, binubuksan nito ang oportunidad para “distinguished Filipino food culture while establishing the common ground for food businesses.”

Makikipagtulungan din ang komite sa mga representante mula University of the Philippines Diliman – College of Economics, Department of Science and Technology, the Philippine Association of Food Technologists, Inc., Le Toque Blanche Chefs Association, Asia Society Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at sa Philippine Daily Inquirer, Inc. RNT