Ilang tips para maging HAPPY!

Ilang tips para maging HAPPY!

October 6, 2018 @ 2:38 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa buhay, hindi maiiwasan na bigla-bigla nalang makakaramdam ng lungkot. Minsan dahil sa mga problemang dinadala, sa mga hindi magandang nangyari sa buong araw na ‘yon, sa mga tao at bagay na naalala.

Minsan naman, trip ka lang talaga ng tadhana at bigla-bigla ka nalang susuntukin ng kalungkutan ng walang partikular na dahilan. Badtrip ‘di ba?

Marami sa atin ngayon ang takot na maging masaya parati. Bakit? Kasi nga daw, malakas mang-trip si universe na pagkatapos mong maramdaman ang sobrang saya, ibig sabihin ay may paparating na kalungkutan.

Kaya naman, narito ang ilang tips para makalikom ng good vibes at happy happy lang ang lahat.

Know what you really want

Alamin kung ano talaga ang gusto mo, madalas kasi na sa sobrang dami ng  pinagpipilian, mas marami kang gustong gawin sa buhay. Kaya naman maski ikaw mismo, napapagod mamili kung ano ba ang dapat na unahing gawin. Kaya naman i-set mo sa isip iyong kung ano ba talaga ang gusto mo at doon ka mag-focus.

Alis-alis din sa comfort zone pag may time!

Minsan hindi alam ng mga tao na hindi talaga kailangan manatili sa bagay lang na nagbibigay ng comfort. Kasi nga, dahil sa sobrang kumportable, minsan tinatamad na ang ilan sa routine araw-araw. At ang ending, malulungkot ka lang dahil mare-realize mo na parang walang bago.

Kaya, kailangan mo din i-explore ang ibang side ng mundo.

Sa experience ka mag-invest.

Huwag maging materialistic! Temporary happiness lang ang mabibigay ng mga bagay sa tao. Paglipas ng ilang araw, ang mga ito ay hindi naman magpapasaya sa iyo. Kaya ang dapat, sa experience mas mag-invest, dahil happy experience lasts forever, ika ng ng ilan.

Positive vibe, Positive life.

Sabi nga “Always look at the bright side of life”. Huwag masiyadong ma-stress sa mga bagay na hindi makuha at hindi nangyari. Mayroon kasing mga bagay na hindi talaga para sa iyo o ‘di kaya’y may tamang oras para mapasa’yo. Ang isipin mo nalang, may purpose lahat ng bagay, mangyari man ito o hindi.

Decide to be Happy

May 24 hours ang bawat isa araw-araw, huwag itong sayangin ang ilang minuto dahil lang sa lungkot. Simulan ang bawat umaga ng masaya, kausapin ang sarili na maging masaya dahil higit sa lahat, ang sarili ang nakapagdedesisyon kung saan at kung bakit ka masaya.

Hindi man maiiwasan ang lungkot, ang mahalaga alam mo kung paano maging masaya pagtapos nito. “When you can’t find the sunshine, be the sunshine instead.”/Remate News Team/Intern, Ellaien Joy Waje