Ilang vax center health workers pinabalik sa mga ospital sa pagsirit ng COVID- Herbosa

Ilang vax center health workers pinabalik sa mga ospital sa pagsirit ng COVID- Herbosa

January 10, 2022 @ 8:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nahadlangan ang inisyal na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng isa hanggang 1.5 milyong Pilipino sa isang araw sa unang kwartes ng 2022, dahil maraming health workers sa vaccination sites ang pinabalik sa mga ospital sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa isang government adviser.

Sa Laging Handa virtual briefing, sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa ilang healthcare workers ang inilipat sa COVID-19 wards o nahawahan ng COVID-19 sa gitna ng COVID-19 surge sa bansa.

“Unfortunately, dahil sa ating surge ng COVID-19 cases, some of our doctors and nurses na nasa vaccination sites ay nare-recall doon sa mga COVID care areas or COVID wards,” pahayag ni Herbosa.

“May vaccinators tayo, nurses, and doctors, nai-infect. So, nagku-quarantine sila nang ilang araw bago sila bumalik so bumabagal ‘yung ating vaccination rate,” patuloy niya.

Inanunsyo ng Philippine General Hospital nitong Lunes na halos 400 healthcare workers nito ang nagpositibo sa COVID-19. RNT/SA