Iligal na binebentang COVID vax ‘di ligtas  gamitin —FDA chief

Iligal na binebentang COVID vax ‘di ligtas  gamitin —FDA chief

July 8, 2021 @ 12:16 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi na akmang gamitin ang mga COVID vaccine na iligal na binebenta dahil sa walang katiyakang nahahawakan ito nang maayos at nasa tamang temperatura.

“Hindi na maaaring gamitin ‘yan… Hindi mo na kasi alam ‘yung integrity ng cold chain, ng pagha-handle niyan at ‘pag ganyang merong doubt, hindi na po natin pinapayagang gamitin sa tao ang ganyan po na mga bakuna,” lahad ni FDA Director General Eric Domingo

Hinahanap na aniya ng mga awtoridad ang pinagkukuhanan ng mga bakuna upang malaman kung ito ay pinupuslit o kinukuha sa suplay ng gobyerno.

Nanawagan naman si Domingo sa publiko na ireport sa FDA ang mga hinihinalang nagbebenta ng COVID vaccine. RNT/FGDC