Iligal na e-sabong sawatahin-Azurin

Iligal na e-sabong sawatahin-Azurin

December 6, 2022 @ 8:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa lahat ng police commander na paigtingin ang kampanya laban sa mga iligal na operasyon ng e-sabong (online cockfighting) sa bansa.

Ito ay kasunod ng mga ulat na patuloy na operasyon ng mga iligal na e-sabong site sa kabila ng umiiral na direktiba upang ihinto ang mga operasyon nito.

“Mayroon nang presidential order (former President Rodrigo Duterte) to stop all e-sabong activities. Pero na-monitor natin na may mga guerrilla operations ng e-sabong hanggang ngayon,” ani Azurin.

Habang ang mga pangunahing operator ng e-sabong ay huminto sa kanilang operasyon, mayroong ilang maliliit na grupo at indibidwal na patuloy na gumagamit ng online na platform para sa pagtaya sa sabong, dagdag pa ng hepe ng kapulisan.

“Kaya inutusan ko lahat ng units, regional directors, the provincial directors and even the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) and IG (Intelligence Group) to work together to hunt down all these personalities involved in the operations,” aniya pa. RNT