ILIGAL NA PASUGALAN SINALAKAY NG PNP REGION-4A 

ILIGAL NA PASUGALAN SINALAKAY NG PNP REGION-4A 

December 14, 2021 @ 2:56 PM 10 months ago


Muling sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP Region-4A ang pag-aresto po sa hinihi-nalang mga nag-ooperate ng iba’t ibang mga iligal na pasugalan na kung saan ay nakaaresto ang mga operatiba.

Tatlo sa mga kubrador ang dinampot ng mga kapulisan matapos na ipag-utos ni Region-4A Regional Director PBGen. Eliseo Cruz na paghuhulihin ang iba’t ibang mga klase ng illegal na pasugalan sa rehiyon.

akto habang nagrerebisa ng jueteng sa isang barangay sa Batangas sa magkakahiwalay na mga safehouse tatlo sa mga nagmimintina ng sugalan ang naaresto.

Aba’y akala kasi ng mga operator ng mga illegal na pasugalan sa nasabing lalawigan ay ma-kaliligtas sila sa ginagawa nilang pag-ooperate ng iba’t ibang mga iligal na pasugalan  kay Gen.Cruz.

Kaya ang resulta 20 jueteng kabo at kolektor ang natimbog ng mga tauhan ni Gen.Cruz na nayon ay naghihimas na ng rehas na bakal ang mga ito.

Binalaan din ng magiting na RD ng Region-4A na si Gen.Cruz ang lahat ng mga provincial director na mahuhulihan ng iba’t ibang mga iligal na pasugalan na kanyang sisibakin ang mga ito kapag nahulian.

 Ibinunyag din ni Gen.Cruz ang mga gambling lord na walang takot na nag-ooperate ng pasugalan ay itong isang alyas  Ocampo na nagsisilbing operator ng jueteng sa 13 barangay sa Balete.

Bukod dito, minamantiyagan din ni Gen.Cruz itong si Reyes na kilalang “Bookies King” ng buong Batangas na siya ang nagmamaniobra sa lahat ng bookies sa 30 na iba’t ibang bayan sa Batangas.

O kayong mga gambling lord at drug lord binalaan na kayo ni Gen.Cruz baka naman mag-patuloy pa rin kayo sa inyong ginagawang pagpapalaganap ng mga iligal na pasugalan.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]