Ill-gotten wealth case proceedings vs pamilya Marcos ipinagpaliban ng Sandiganbayan

Ill-gotten wealth case proceedings vs pamilya Marcos ipinagpaliban ng Sandiganbayan

July 7, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinagpaliban ng Sandiganbayan nitong Huwebes ang proceedings sa ill-gotten wealth case laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang pamilya noong 1987.

Sa pagpapaliban ng proceedings sa susunod na buwan, iginawad ng Second Division ng anti-graft court ang mosyon ng defendant kaugnay ng Civil Case 0014.

Inaakusahan ng Case 0014 ang mag-asawang Panlilio na sina Rebecco at Erlinda — umano’y business associates ng mga magulang ni Marcos na sina late President Ferdinand Marcos Sr. at former First Lady Imelda Marcos — ng pagsisilbing dummies umang makamkam o makontrol ang ilang kompanya sa pamamagitan mula sa financial assistance mula sa state institutions “for their financial and pecuniary interests.”

Kabilang sa mga kompanyang ito ang Ternate Development Corp., Monte Sol Development Corporation, Olas del Mar Development Corporation, Fantasia Filipina Resort, Inc., Sulo Dobbs, Inc., Philippine Village, Inc., Silahis International Hotel, Inc., at Hotel Properties, Inc.

Batay din sa Civil Case 0014, bukod sa mag-asawang Panlilio, sinamantala rin nina Modesto Enriquez, Trinidad Diaz-Enriquez, Leandro Enriquez, Guillermo Gastrock, Ernesto Abalos at Gregorio Castillo ang pagiging malapit sa mag-asawang Marcos upang bumuo ng mga istratehiya  “in order to enrich themselves at the expense of the Philippine government”.

“We asked the court for more time, look at our records,” ani Atty. Manuel Plaza, abogado ng mga Marcos.

“We want to make sure that the witnesses and evidence we present to the court will be admissible. This has been a very long case, we really have to go back. The records are quite long,” dagdag ni Plaza.

Bilang resultam itinakda nf Sandiganbayan ang pre-marking ng mga ebidensya kaugnay ng kaso sa Agosto 4 habang ang pre-trial ay gugulong sa Agosto 5. RNT/SA