Illegal gambling operators inaresto ng CIDG sa Malabon City

Illegal gambling operators inaresto ng CIDG sa Malabon City

March 13, 2023 @ 5:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – DINAKIP ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang babaeng nagpapataya ng iligal na sugal sa Malabon City, iniulat kahapon.

Batay sa isinagawang CIDG Northern District Field Unit na “Oplan Bolilyo” at “Salikop”, naaresto sina Leonora Macapinig, 68, ng Blk. 13, Lot 16, Hernandez St., Catmon, Malabon at Felicita Crebillo, 59, ng Blk. 12, Lot 27, Hernandez St., Catmon, Malabon.

Ang dalawa ay mahaharap sa paglabag sa R.A 9287 (An Act Increasing Penalties for Illegal Number Games) sa Malabon City Prosecutors Office.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang CIDG na isang ā€œ@Noraā€ ang nangongolekta ng pataya sa iligal na sugal na Lotteng/EZ-2 sa Hernandez St., Catmon, Malabon.

Dahil dito, agad nagsagawa ng anti-illegal gambling/number games operation ang CIDG sa nasabing lugar at nadakip sina Macapinig at Crebillo sa aktong nangongolekta ng taya sa iligal na sugal.

Nasamsam sa dalawa ang ilang gambling paraphernalias.

Ayon sa CIDG, ang dalawang ginang na naaresto ay miyembro ng “Amado” group, umano’y responsable sa illegal number game operations sa CAMANAVA. RNT