MANILA, Philippines – Makaraang personal na pamunuan ang raid sa isang lumber yard sa Cantilan municipality, hiniling ni Surigao del Sur Governor Alexander “Ayek” Pimentel sa dalawang ahensya ng gobyerno ang illegal logging activities sa probinsya.
Dahil dito, hiniling ni Pimentel sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa posibleng pagkakdawit dito ng ilang lokal na opisyal.
Nitong nakaraang Biyernes, Agosto 20, 2021, bandang alas-3:00 ng hapon, kasama sina Surigao del Sur Police Provincial Office chief, Police Col. James Goforth, mga tauhan ng Cantilan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Ferdinand Tavares at Forester Charles Sullano ng CENRO Cantilan, ay sinalakay nina Gov. Pimentel ang isang riverside compound sa Purok-2 Brgy. Tapi, Cantilan.
Ang nasabing raid ay nagresulta sa pagkakakumpiska sa illegally cut assorted forest products, na tinatayang aabot sa kabuuang 17,000 board feet at may market value na P500,000.
Ayon kay Governor Pimentel, ang illegal lumbers ay pag-aari umano ni Barangay Tapi Chairman Noel Azarcon, alyas Tiger.
Labis na ipinagtataka naman ng gobernador kung bakit sa lahat ng mga munisipalidad sa Surigao del Sur, sa bayan lamang umano ng Cantilan laganap ang illegal logging kung saan malapit lang ang tanggapan ng CENRO.
“This area of barangay captain Azarcon is only 15 minutes away from the CENRO and the Mayor’s office. The illegal logging activities are striving and happening almost right on the tip of the nose of public officials supposed to be protecting our environment and implement the law properly,” tahasang sabi pa ni Governor Pimentel.