Illegal POGO tutugisin ng NBI

Illegal POGO tutugisin ng NBI

September 23, 2022 @ 8:00 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na tugisin ang mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ito ang sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, Setyembre 22.

“Now that this has come to light, the NBI is there already. We already have mobilized teams from the NBI to start moving on this one,” ani Remulla.

“Kaya natin itinigil ang operation ng NBI noon kasi nga nobody was filing cases,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nitong Hulyo ay ipinag-utos ng DOJ na suspendihin muna ang operasyon ng NBI laban sa mga POGO dahil wala naman na mga nagpapasa sa kanila ng kaso o reklamo.

Dagdag pa ni Remulla, sa mga susunod na linggo ay sisimulan na rin nila ang pagpapa-deport sa mga overstaying POGO workers na sa kasalukuyan ay nakikipag-usap na sa Embahada ng Tsina. RNT/JGC