Illegal wildlife trade sa Ph mahigpit na tinutukan ng DENR

Illegal wildlife trade sa Ph mahigpit na tinutukan ng DENR

July 9, 2021 @ 11:39 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa nalalapit na 4th National Environmental Law Enforcement (NELE) Summit sa Hulyo 14 hanggang 16, 2021, nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng pre-event noong Hulyo 7, Miyerkules upang matutukan ang masamang epekto ng illegal wildlife trade sa bansa.

Para sa pre-event, tinalakay nina DENR undersecretaries Benny Antiporda, Edilberto D. Leonardo, at Benito de Leon, kasama si Biodiversity Management Bureau (BMB) Wildlife Resources Division Chief Atty. Theresa Tenazas ang iba’t-ibang aspeto at lawak ng illegal wildlife trade sa isang media briefing.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga hamon sa DENR wildlife enforcement officers, online illegal wildlife trade, at mga salient points upang maging mas mahigpit ang Republic Act (RA) 9147 or the Wildlife Resource Conservation and Protection Act of 2001 kasama na ang mga “context and threats,  policy gaps, and its proposed revisions for amendment.”

Napag-usapan din ang madalas na kinakalakal na species kasama na ang illegal wildlife trading hot spots at strategies for combating illegal wildlife trade.

Ipinaliwanag din ng mga opisyal ng DENR ang kahalagahan ng nalalapit na NELE Summit at binanggit na isang workshop ang ginanap noong Marso 11-12 upang pag-aralan ang enforcement of green laws (forestry, flora and fauna), blue laws (water bodies such as estuaries, rivers, lakes, bays and oceans), brown laws (mining, land, and solid waste management),  prosecution, and the roles of supporting agencies before the actual event.

“Hopefully, during this pre-event for the upcoming environmental law enforcement summit, we can make the Filipino people realize the magnitude of what we are lobbying and continuously advocating,” saad ni DENR Secretary Roy A. Cimatu.

Layunin ng NELE Summit na makapagpresenta ng mga nagawa ng environmental law enforcement tulad ng “laws and policies, implementing guidelines, programs, and tools, and come up with a new NELE Action Plan for 2021-2028.”

Magsisilbi rin itong lugar upang matiyak na patuloy ang koordinasyon at kooperasyon ng mga environmental law enforcement agencies at pagbibigay ng pagkilala sa partner agencies at institusiyon maging sa bawat indibiduwal.

Ayon kay Cimatu, upang mapanatili ang “momentum” ng Senate hearing noong nakaraang Hunyo 30 para sa mga panukulang batas na magpapalakas sa RA 9147, ang DENR ay kinakailangang “must continue to reverberate the drumbeat of calls to enact a law that will provide a more stringent legal framework to punish illegal wildlife traders.”

“The sophistication of these illegal wildlife traders gives us the sense of urgency to clamor for the immediate legislation of the Senate bills concerning this matter,” aniya.

Sa kasalukuyan, ang illegal wildlife trade sa Pilipinas ay tinatayang aabot sa halagang P50 billion kada taon, kabilang na dito ang market value ng wildlife at ng resources nito, ecological role at value, pinsala sa habitat na nagawa sa paghuli at pagkawala ng potential ecotourism revenues.

Sa nakalipas na sampung taon, ang DENR ay nakakumpiska ng P248-million halaga ng wildlife specimens.

Sinabi pa ni Cimatu na ang bilang na ito ay nakaaalarma at “could invite more criminal minds and unscrupulous individuals, especially during this time of crisis—if they are left with merely a slap in the wrists.”

Noong Mayo 26 nang pumasa na sa House Committee on Appropriations ang substitute House Bill na pinamagatang “An Act Providing for the Conservation and Protection of Wildlife Resources and their Habitats, and Appropriating Funds Therefore, Repealing for this Purpose Republic Act No. 9147” or the “Wildlife Resources Conservation And Protection
Act,” na inisponsoran ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato at labing-limang iba pang representante.

Kasalukuyan namang tinatalakay sa public hearing ng Senate Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change kasama ang Committee on Finance at Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking ang Senate Bills 2078 at 2079 na iniakda nina Senators Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri, ayon sapagkakasunod. Ernie Reyes