ILO-HLTM, suportado ng CWS

ILO-HLTM, suportado ng CWS

January 19, 2023 @ 6:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pagdaraos ng International Labor Organization High Level Tripartite Mission (ILO-HLTM).

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na siya ring chairperson ng CWS, higit na mabibigyang prayoridad ng gawaing ito ang pangangalaga sa buhay at mga ipinaglalaban ng sektor ng mga manggagawa.

“A good case for the coming High Level Tripartite Mission to the Philippines called by the International Labor Conference Committee on the Application of Standards (CAS) this coming January 23-27, 2023 which was originally set to take place in 2019 in order to look into the alarming spate of killings with impunity, of 43 trade union leaders, organizers and workers at that time, for three years, Philippine government evaded the ILO High Level Tripartite Mission,” ayon sa mensahe ng Obispo.

Muli ring binalikan ng Obispo ang red-tagging mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na inilagay sa panganib ang buhay ng mga labor leaders at members.

Bukod sa isasagawang ILO-HLTM, muli ring nakiisa si Bishop Alminaza sa panawagan ng sektor ng mga manggagawa na buwagin ang kontrakwalisasyon, magpatupad ng nag-iisang national minimum wage at tunay na pangangalagaan ang buhay ng bawat isang kabilang sa sektor.

Ang ILO-HLTM ay ang pagsasagawa ng imbetigasyon sa mga kaso ng pagpaslang at paniniil sa hanay ng mga labor leaders at members na idadaos simula Enero 23 hanggang 27.

Makikiisa din ang mga labor groups katulad ng Kilusang Mayo Uno at Federation of Free Workers sa isasagawang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden