Ilocos, 4 pang probinsya uulanin sa monsoon

Ilocos, 4 pang probinsya uulanin sa monsoon

June 6, 2021 @ 8:36 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Asahan na ang kalat-kalat ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Ilocos Region, Batanes, Apayao, Cagayan at Zambales ngayong Linggo dahil sa Southwest Monsoon, ayon sa PAGASA.

Ibinabala naman ng PAGASA ang rumaragasang baha o landslide sa mga lguar na nabanggit lalo na sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Makaapekto rin ang Southwest Monsoon at localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Dahil dito, makararanas ang mga lugar ng maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshower o thunderstorm.

Ibinabala rin ng weather bureau na posible ang rumaragasang baha o landslide.

Sa Visayas, Mindanao, Romblon at Masbate, naman, makararanas ang mga lugar na ito ng kalat-kalat na pag-ulan cloudy skies at thunderstorms bunsod ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Posible rin ang rumaragasang baha o landslide. RNT