Ilocos, Cagayan Valley, Caraga may dagdag-sahod na rin!

Ilocos, Cagayan Valley, Caraga may dagdag-sahod na rin!

May 18, 2022 @ 3:29 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sunod na ring magtataas ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Ilocos, Cagayan Valley at Caraga Regions.

Ito ay makaraang maglabas na rin ng wage hike order ang kani-kanilang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB).

Sa ilalim ng Wage Order No. RB1-21, inaprubahan ang P60 hanggang P90 na dagdag-sahod sa Ilocos Region na ibibigay sa loob ng dalawa hanggang tatlong tranches.

Kapag naibigay nan ang buo, magiging P372 hanggang P400 na ang minimum wage sa rehiyon mula sa kasalukiuyang P282 hanggang P340.

Maliban dito, inaprubahan din ng wage board ang P500 at P1,500 na monthly wage increases para sa mga domestic workers sa mga lungsod at first-class municipalities at para sa iba pang munisipalidad kaya aabot na ang monthly wage rate nila sa P5,000.

Samantala, P50 hanggang P75 naman ang inaprubahang wage increase sa Cagayan Valley na hahatiin din sa dalawa hanggang tatlong bigayan.

Mula sa P345 hanggang P370 na kasalukuyang sahod sa Region 2 ay magiging P400 hanggang P420 na ito.

Habang mula sa P305 na basic pay sa Caraga Region, magiging P350 na ito dahil sa ipapatong na P15 COLA  at P30 na umento sa sahod.

Epektibo ang mga naturang wage hike order 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagang may regional circulation. RNT/ JCM