Ilocos Norte kinokonsidera ng Tsina na potential investment destination

Ilocos Norte kinokonsidera ng Tsina na potential investment destination

December 1, 2022 @ 8:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippiens – Tinitignan ng Chinese enterprises ang Ilocos Norte bilang isang investment destination.

Sa isinagawang Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) ar Ilocos Norte Investment Conference, sinabi ni Ambassador Huang Xilian na binisita niya ang lalawigan at kanyang nakita ang napakalaking potensiyal na maiaalok nito

“I have visited the Ilocos Norte province before. It boasts beautiful scenery, sincere and honest people, and unique resources. I was impressed by its tremendous potentials,” ani Huang.

Winika nito na handa ang Beijing na makatrabaho ang Pilipinas para mapalakas pa ang ugnayan nito, lumalim ang kooperasyon sa local governments, at i-explore ang investment opportunities.

Aniya, ang blueprint ay hinugot mula sa 20th National Congress of the Communist Party of China maps, future development at “rejuvenation on all fronts” ng Beijing sa pamamagitan ng modernisasyon.

“We believe that China’s new development will bring extensive opportunities to the international communities, including the Philippines, needless to say, our practical cooperation will embrace great prospect,” ani Huang.

Hangad naman ng administrasyong Marcos na magbukas pa ng mas maraming oportunidad para sa high-value investments, ituon ang pansin sa broad-based job creation at pagpapalawak sa “digital infrastructure, research, at development.” Kris Jose