Ilocos Norte nakasailalim sa state of calamity

Ilocos Norte nakasailalim sa state of calamity

October 18, 2022 @ 8:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matapos ang grabeng pagbabaha na naranasan bunsod ng hagupit ni Bagyong Neneng, isinailalim sa state of calamity ang Ilocos Norte.

Sa isang regular session sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, nagkasundo ang lahat ng Ilocos Norte board para sa pagdedeklara ng state of calamity sa probinsya.

Sa pagtataya Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa P103.5 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Nasa 14,217 indibidwal ang naapektuhan dito.

Habang nauna nang sinuspinde ang mga klase sa elementarya at hayskul sa buong probinsya nitong Lunes.