Ilocos Norte niyanig din ng magnitude 4.8 na lindol!

Ilocos Norte niyanig din ng magnitude 4.8 na lindol!

October 26, 2022 @ 10:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ilang oras matapos ang magnitude 6.4 na lindol na yumanig sa probinsya ng Abra at naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Hilagang Luzon, niyanig naman ng magnitude 4.7 na lindol ang Ilocos Norte, Miyerkules ng umaga, Oktubre 26.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol 11 kilometro hilagang-silangan ng Nueva Era, Ilocos Norte.

Naramdaman ito 5:39 ng umaga at tectonic in origin na may lalim na isang kilometro.

Naitala ang Intensity III ng lindol sa Laoag City, San Nicolas at Pinili, Ilocos Norte.

Samantala, nakapagtala rin ng instrumental intensities ang Phivolcs sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II – Bangued, Abra; Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur;
Intensity I – Peñablanca at Gonzaga, Cagayan

Wala namang inaasahan na aftershock sa tumamang lindol sa Ilocos. RNT/JGC