Ilocos Norte pinasok na ng Omicron – DOH

Ilocos Norte pinasok na ng Omicron – DOH

January 17, 2022 @ 8:24 AM 7 months ago


ILOCOS Norte—Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang nakapasok na Omicron variant sa Ilocos Norte province, ayon kay Governor Matthew Marcos Manotoc sa isang Facebook post, Linggo.

“The DOH just confirmed our longtime suspicions that the Omicron variant is present in Ilocos Norte,” ani Manotoc.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang COVID-19 cases sa probinsya ay sumirit ng 7,830 percent, na kung dati ay nasa 13 kaso lang noong Disyembre 13, ngayon ay umabot na sa 1,031 hanggang nitong Enero 15, ayon sa datos ng provincial government.

Hindi naman na nagbigay detalye ang lokal na gobyerno ukol sa kaso ng Omicron variant.

Giit ni Manotoc, wala naman kasing dahilan para mag-panik at mag-overreact dahil mayorya ng residente sa Ilocos Norte ay nabakunahan na.

“Omicron is milder, and we now know much more about the virus, especially the safety measures that work,” ayon sa governor.

Giit pa niya na hindi siya magpapatupad ng “wide-scale, hard lockdown like before.”

Ang Ilocos Norte ay nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero.

“We will dance with, and live with, the virus and we look forward to it becoming an endemic as many scientists say. Life shall go on,” dagdag pa niya. RNT