Iloilo City pinasok na ng ASF

Iloilo City pinasok na ng ASF

November 25, 2022 @ 7:40 AM 1 week ago


ILOILO – Naitala ang unang kaso ng African swine fever (ASF) sa Iloilo City, kinumpirma ni Mayor Jerry Treñas.

Sinabi ng alkalde na isa sa 17 samples ang nagpositibo sa ASF. Ang kaso ay naitala mula sa Zone 5 ng Barangay Tacas.

“Sa loob ng 500-meter radius, lahat ng baboy ay kakatayin at ililibing ayon sa Department of Agriculture habang tayo ay magbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektado,” ani Treñas.

“We continue to disinfect our slaughterhouse and we are strict in our markets to make sure that meats coming from areas with ASF cases will not be accepted,” dagdag pa ng alkalde.

Nauna nang nag-ulat ng mga kaso ng ASF ang ibang mga bayan sa lalawigan ng Iloilo. RNT