Iloilo College, tikom ang bibig sa pagkamatay ng ROTC stude

Iloilo College, tikom ang bibig sa pagkamatay ng ROTC stude

March 15, 2019 @ 2:52 PM 3 years ago


Iloilo – Hindi magbibigay ng anumang kumento ang pamunuan ng Iloilo State College of Fisheries (ISCOF) hinggil sa nangyaring krimen na nagawa ng isang ex-ROTC officer sa kapwa nitong estudyante sa loob mismo ng Boy’s Dormitory ng nasabing eskuwelahan.

Ayon kay State University and College (SUC) President II Godelyn Hisole, ito ay para bigyang daan ang nangyayaring imbestigasyon kaya minabuti na nilang huwag magbigay kumento.

Sa kabila nito, nagpaabot naman ng pakikiramay ang eskuwelahan sa pamilya ng biktimang si si Willy Amihoy, 23, ng Tayasan, Negros Oriental na napatay ng suspek na si Elmer Decilao, 22 ng Brgy. Ermita, Dumangas, Iloilo.

Nagbigay din sa financial at legal assistance ang eskuwelahan sa pamilya ng biktima.

Sinabi ng ISCOF na malaking kawalan si Amihoy sa buong campus at mariing kinokondena ang nangyaring krimen. Remate News Center