‘I’m not done,’ Pacquiao, muling naghari sa ring laban kay Matthysse

‘I’m not done,’ Pacquiao, muling naghari sa ring laban kay Matthysse

July 15, 2018 @ 3:55 PM 5 years ago


 

Kuala Lumpur, Malaysia – Muling pinatunayan ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao na kayang kaya niya pa rin pagharian ang ring at muling pabilibin ang buong mundo sa angkin niyang lakas.

Tinalo ni Pacquiao sa seventh-round knockout si Lucas Matthysse kung saan naagaw niya ang World Boxing Association welterweight world title sa ginanap na showdown sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“From the first round, I had in my mind I can control the fight. But our strategy is be patient, don’t rush, don’t be careless. Just focus, on our hard punches, power punches. That was our strategy resulting to a knockout,” sabi ni Pacquiao.

“Like I said I’m not done, I’m still here. It’s just a matter of time you got to rest then get it back. I owe it to my country.”

Ito na ang ika-60 na panalo ni Pacquiao kung saan doble-doble ang kaniyang tagumpay dahil buong giliw siyang pinanuod ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama si Prime Minister Mahathir Mohamad.

Magmula noong natalo ni ‘fighting senator’ si Miguel Cotto noong 2009, ngayon nalamang muli nanalo si Pacquiao sa pamamagitan ng stoppage nang pabagsakin niya si Matthysse sa pamamagitan ng uppercut diretso sa muka ng Argentine fighter.

Marami ang nag-aabang sa ganitong laban ni Pacquiao at hindi nga sila binigo ng Pambansang Kamao. Muling pinatunayan ni Pacquiao ang kamandag ng kaniyang kamao, ang kamao ng 8-division world champion.

Tatlong beses napadapa ni Pacquiao si Matthysse, una ay gawa ng uppercut sa pangatlong round.

Sumunod ay sa ikalimang round nang tamaan ni Pacquiao ang dibdib ng kalaban kaya’t napadapa muling si Matthysse.

Nang mapadapa siyang muli sa ikapitong round, tumawag na ang referee na si Kenny Bayless na tapos na ang laban at nagpalakas ng hiyawan ng mga Pinoy na nanunuod ng laban. (Remate News Team)