IM Pilipinas tuloy ang ‘Iskowentuhan’ community service program

IM Pilipinas tuloy ang ‘Iskowentuhan’ community service program

April 7, 2022 @ 1:27 PM 3 months ago


No description available.

MANILA, Philippines – Tumugon sa panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pinakamalaking pambansang volunteer organizing network na sumusuporta sa kandidatura niya na magsagawa ng community service activities sa iba’t ibang lugar sa bansa upang magbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan na apektado ng pandemya at ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ipinagpatuloy ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas ang lingguhang serbisyo sa komunidad na nakatuon sa mga sektoral na organisasyon na tinawag na “ISKOwentuhan sa Barangay.”

Layon nito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na nagdulot ng karagdagang pasanin para sa mga Pilipino na nahaharap na sa masamang epekto ng pandaigdigang Covid-19 pandemic sa nakalipas na dalawang taon. Layunin din ng aktibidad na palakasin ang ugnayan sa mga tagasuporta mula sa katutubo at maisakatuparan ang mga programang maka-mamamayan ni Yorme Isko Moreno sa “buhay at kabuhayan.”

No description available.

“We know the ill effects of the Covid-19 pandemic and the spike in prices of basic commodities to the lives of our people, that is why we always heed to the Tao Muna program of Yorme Isko Moreno… kailangan kasi talaga na direktang makarating sa ating mga kababayan ang tulong maliit man o malaki,” ani IM Pilipinas Central Luzon convenor and Pampanga Board Member Jun Canlas.

Sa ngayon, grupo ay nagpaabot ng tulong sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa ilang lungsod at karatig lalawigan kabilang ang Taguig, San Juan, Pampanga, Quezon Province, Tarlac, Zambales at Rizal Province kung saan hindi bababa sa 1,800 indibidwal ang nakatanggap ng “ ayuda” sa pamamagitan ng mga groceries at gas coupon katuwang ang Phoenix Petroleum Philippines, Inc.

“As what we have started months ago, we are bent on providing assistance to our kababayans especially those underprivileged to keep them going in their day to day lives. With the so many challenges we have gone through, we are committed to help as what Yorme Isko is saying, Tao Muna,” paliwanag pa ni Canlas .

“We remain committed to execute programs being pushed by Yorme Isko Moreno… to help in making the lives of our people easier especially these trying times. We believe that this fuel subsidy that we offered to our TODA members adheres to Yorme’s call,” dagdag naman ni IM Pilipinas Tarlac Chapter head Patrick Agustin.

Nakatakda namang sunod na ayudahan ng IM Pilipinas iang mga taga-Butuan at Nueva Ecija sa mga susunod na linggo. RNT