Imahe ng NAIA lalo pang nasira sa extortion ng OTS personnel – Recto

Imahe ng NAIA lalo pang nasira sa extortion ng OTS personnel – Recto

March 1, 2023 @ 9:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – “Sira na lalo pang nasira.”

Ito ang dismayadong pahayag ni Batangas Rep. Ralph Recto sa panibagong insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan ilang tauhan ng Office of Transport Security (OTS) ay nahuling nagnanakaw sa isang Thai tourist sa loob ng airport.

“A few erring OTS employees have dealt the nation a black eye. Na-tag na nga ang NAIA as one of the world’s worst airport, lalo pang pinalala ng insidenteng ito,” pahayag ni Recto.

Ani Recto, ang nahulicam na insidente ay dagok din sa P1.27B na ginastos ng Department of Tourism para pagandahin ang imahe ng bansa.

“Our airport and transportation officials should roll out new programs that will assure the whole world that our airport security checks are not holdup points,” dagdgag pa nito.

Sinabi ni Recto na dapat maglagay ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa mg blind spots sa security check counter upang hindi na maulit ang kaparehas na insidente.

Aniya, hindi niya nilalahat na bugok ang mga OTS personnel, giit nito marami pa rin tapat sa kanilang tungkulin kaya naman dapat gumawa ng mga programa para ipakita na isolated case lamang ang nangyari.

“The OTS staff shouldn’t become collateral damage due to a few erring employees It is in our national interest that we unveil initiatives that would convey the comforting message that our airport personnel while thorough are trustworthy,” pagtatapos pa ni Recto. Gail Mendoza