Imbakan ng armas sa kampo ng militar sa CDO, nagliyab

Imbakan ng armas sa kampo ng militar sa CDO, nagliyab

July 12, 2022 @ 7:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang sunog sa firearms depot o imbakan ng mga aramas ng militar sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental ilang minuto makalipas ang alas-12 ng hatinggabi.

Batay sa inisyal na ulat, nagkaroon ng insidente ng sunog ang ammunition storage facility ng 4th Infantry (Diamond) Division sa Camp Evangelista.

May sunod-sunod na pagsabog na narinig sa site.

Sinabi ni Maj. Francisco Garello, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, may tatlong nasugatan sa insidente.

Idineklarang fireout ang insidente pasado alas-3 ng madaling araw.

Malayo aniya ang sunog sa mga kabahayan at opisina ng kampo. RNT