Imbes tusok, hedgehog sa M’danao mabalahibo

Imbes tusok, hedgehog sa M’danao mabalahibo

March 15, 2023 @ 11:34 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Natuklasan sa Mindanao ang dalawang bagong specie ng hedgehog.

Ang podogymnura intermedia ay makikita lamang sa Mt. Hamiguitan sa Davao Oriental at sa Mt. Kampalili sa Davao de Oro habang ang podogymnura minima ay natuklasan naman sa Mt.Kitanglad sa Bukidnon.

Ang kakaiba sa dalawang specie na ito ay imbes na spikes o tusok-tusok, makikita sa mga ito ang malabalahibong katawan.

“Sila ay mga hedgehog, ngunit wala silang mga spine. Ang mga ito ay may malambot na balahibo at ang mga ito ay 10 hanggang 12 sentimetro ang haba kapag sila ay nakaunat, medyo maikling buntot,” ani Dr. Lawrence Heaney. RNT