Imbestigasyon ikakasa ng Senate panel vs sugar importation mess, ‘overpriced’ DepEd laptops

Imbestigasyon ikakasa ng Senate panel vs sugar importation mess, ‘overpriced’ DepEd laptops

August 17, 2022 @ 5:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Senate Blue Ribbon committee on nitong Miyerkules na maglulunsad ito ng imbestigasyon sa sugar importation mess at sa umano’y overpriced na laptops na binili ng Department of Education (DepEd).

Si Sen. Francis Tolentino, chairman ng panel, ang nag-anunsyo nito.

Itinakda ni Tolentino ang imbestigasyon sa sugar importation scandal sa Martes, Agosto 23, habang ikakasa ang imbestigasyon sa “overpriced” laptops sa Huwebes, Agosto 25.

Nagbitiw na sa pwesto ang tatlong key officials mula sa Sugar Regulatory Administration at ang board halos isang linggo matapos lumagda sa resolusyon para sa pag-angkat ng asukal na ayon sa Malacañang ay “illegal.”

Samantala, sinabi ng DepEd nitong Lunes na hiniling na nito ang fraud audit sa pagbili ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) ng umano’y overpriced at outdated laptops para sa public school teachers. RNT/SA