Imbestigasyon ikinasa vs 3 immigration officers na sangkot sa human trafficking

Imbestigasyon ikinasa vs 3 immigration officers na sangkot sa human trafficking

January 20, 2023 @ 5:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang iniimbestigahan umano’y pagkakasangkot nila sa human trafficking syndicates.

“Nasa initial stages pa rin tayo but it has been expanded sa tatlong individuals,” paayag ni BI spokesperson Dana Sandoval nitong Biyernes.

Ayon sa bureau, dalawang opisyal ang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang isa ay sa Clark International Airport (CIA).

Inalis na ang tatlo sa  front-facing positions at inilipat sa back-end offices para bigyang-daan ang imbestigasyon, batay sa BI.

Sasailalim din ang ahensya sa nternal cleansing at restructuring kasunod ng imbestigasyon.

“Our investigation will not stop at the three officers, we are looking at how many could be involved internally and externally,” sabi ni Sandoval. “BI will also undergo internal cleansing and restructuring.”

“Looking at the patterns, while it might be too early to jump to conclusions, there might be a link between these immigration officers to illegal syndicates in Myanmar and Cambodia,” pahayag ng BI.

Sa ilalim ng modus, inaakit ang mga Pilipino gamit ang mga pangakong trabaho sa ibang bansa, partikular sa Myanmar at Cambodia.

Subalit, pagdating doon, gagawing crypto scammers ang mga biktima para sa cybercrime syndicates. Naiulat din na tinorture ang mga biktima. RNT/SA