Imbestigasyon kay Quiboloy vs sex trafficking, abuse ipinanawagan

Imbestigasyon kay Quiboloy vs sex trafficking, abuse ipinanawagan

December 14, 2022 @ 3:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga miyembro ng Makabayan bloc na magkaroon ng imbestigasyon ang Kamara patungkol sa alleged sex trafficking at abuse na ginawa ng church leader na si Apollo Quiboloy laban sa mga kababaihan at mga bata.

Sa House Resolution No. 644 na inihain nitong Martes, Disyembre 13 nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers party-list Rep. France Castro, at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, layon nitong paimbestigahan sa House Committees on Women and Gender Equality and Welfare of Children ang mga reklamo laban kay Quiboloy.

“[I]t is imperative for the Philippine government and agencies to commence an investigation on the slew of charges lodged against Quiboloy and immediately prevent the possible continuing offenses,” saad sa dokumentong ibinigay sa media nitong Miyerkules, Disyembre 14.

Ipinahayag din ng mga mambabatas ang pagkadismaya sa tila “wait-and-see attitude” ng pamahalaan sa kaso ni Quiboloy na nauna nang hinatulan ng US Department of Justice noong 2021 dahil sa di-umano ay pagpilit sa mga batang babae na makipagtalik sa kanya.

“The legislative branch of the government cannot afford to stand idle in the face of mounting allegations against an international criminal who has committed blatant abuses and inflicted unimaginable trauma against women and minors,” dagdag ng Makabayan bloc.

Kamakailan ay binigyan ng parusang sanction ng US Department of the Treasury si Quiboloy dahil sa “serious human rights abuse” na kinasangkutan umano nito, kapwa sexual at pisikal na pamamaraan.

Kasunod nito, sinabi ng Department of Justice na patuloy nilang pinag-aaralan ang naturang sanction at hihingi ng abiso mula sa international legal experts patungkol dito. RNT/JGC