Imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng Adamson stude, gumulong

Imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng Adamson stude, gumulong

March 2, 2023 @ 5:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes na naglunsad ito ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig na diumano ay dahil sa hazing.

“CHR Region IV-A has initiated its independent motu proprio investigation on this violent incident,” pahayag ng CHR.

“The tragic death of John Matthew is a loss that should never have happened. It is a clear violation of the victim’s human rights and a failure of those responsible for their safety and welfare,” dagdag nito.

Ipinaabot naman ng Komisyon ang pakikiramay nito sa pamilya at nga mahal sa buhay ni Salilig, at nanawagan para sa hustisya.

Nanawagan ang CHR sa Philippine National Police (PNP), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang mga ahensya para sa agarang aksyon sa kaso.

Para sa CHR, dapat paigtingin ang pagpapatupad ng Anti-Hazing Act of 2018.

“In a previous statement, CHR urged PNP, CHED, and school administrations to enact systems, policies, and mechanisms to put an end to the antithetical culture of hazing,” anito.

Hinikayat din ng CHR ang publiko na magsalita laban sa hazing at huwag makibahagi rito.

Iginiit nito na ang hazing, “as a ritualistic act of humiliation and degradation, goes against the basic principles of fundamental rights and human dignity.”

“Its serious consequences against the physical, emotional, and mental well-being of individuals, most especially minors, should have no place in academic institutions.”

Nitong Martes, natagpuan ang mga labi ni Salilig, isang third year chemical engineering student sa Adamson University sa Manila, mahigit isang linggo mula nang huli siyang makitang buhay.

Nitong Miyerkules, kinilala ng fraternity neophyte ang anim na persons of interest na inimbitahan sa police station para magbigay ng salaysay hinggil sa insidente.

Kasalukuyang tinutugis ang walo pang suspek, base sa mga pulis. RNT/SA