Imbestigasyon ng PCC sa onion cartel kukumpletuhin sa 2-3 buwan

Imbestigasyon ng PCC sa onion cartel kukumpletuhin sa 2-3 buwan

February 27, 2023 @ 5:33 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang matatapos ng Philippine Competition Commission (PCC) ang imbestigasyon nito sa hinihinalang kartel ng sibuyas sa susunod na dalawa o tatlong buwan.

Sa briefing nitong Lunes, Pebrero 27, sinabi ni PCC Chairperson Michael Aguinaldo na patuloy pa sa pag-kolekta ng impormasyon at ebidensya ang ahensya sa itinuturong onion cartels.

“I mean, if it leads to nowhere, then there’s no use prolonging it. But if the evidence is there, and I believe they are able to find evidence, then it should be within the next two to three months or so,” pagbabahagi ni Aguinaldo.

Sinabi ng PCC na nagsimula na silang imbestigahan ang posibilidad ng cartel of abuse of dominance sa industriya ng sibuyas na matatandaang umabot pa sa P700 kada kilo ang presyo nito sa mga pamilihan noong 2022.

Noong Enero ay inaprubahan naman ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng 21,060 metric tons (MT) ng sibuyas upang masolusyunan ang problemang ito.

Sinabi rin ng DA kamakailan na mayroong 100,000 MT ng sibuyas ang nasayang lang noong nakaraang taon na sumisimbolo sa 35% ng pagkalugi sa mga aning sibuyas dahil sa kakulangan sa cold storage at improper handling.

“The investigation is ongoing as we speak. There are no firm results yet because they are still gathering a lot of information,” ani Aguinaldo.

“The challenge, of course, is if you talk about cartels and anti-competition agreements like this, it’s quite hard to prove because you’re looking at having to prove an agreement actually exists among, you know, major players and usually you won’t find something like that in writing,” paliwanag niya.

Kabilang sa mga pagsubok na kinaharap ng PCC ay ang kakulangan ng pisikal na ebidensya dahil walang suplay ng sibuyas ang naiulat sa mga sinalakay na cold storage facility ng ahensya.

“It’s a bit of a challenge to actually look at. But, you know, if the evidence is there, if there are people who are willing to spill the beans, then it’s something that can be pursued to hopefully fruition,” pagtatapos niya. RNT/JGC