Imbestigasyon sa bank accounts ni Erap aprub na sa SC

Imbestigasyon sa bank accounts ni Erap aprub na sa SC

July 2, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinayagan na si Ombudsman Samuel Martires na imbestigahan ang bank accounts ni former President Joseph “Erap” Estrada at iba pa, ayon sa Supreme Court.

Sa 18-page decision nitong Marso 29 na isinapubliko lamang nitong Hunyo 28, nagdesisyon ang First Division ng SC na bigyan ng awtoridad ang Ombudsmanna silipin ang bank deposits ng public officials at mga empleyado sa ilalim ng imbestigasyon.

Ibinasura ng Supreme Court dismissed ang petisyong inihain ng Allied Banking Corp., na  ngayon ay Philippine National Bank (PNB), na humamon sa ruling ng Ombudsman na ipag-utos sa banko na ilabas ang record ng savings, current, time deposit, trust at foreign currency deposits na nakapangalan sa dating Presidente, Jose Velarde, Laarni Enriquez, Guia Gomez, Joy Melendrez, Peachy Osorio, Rowena Lopez, at Kevin o Kelvin Garcia.

Ikinasa ang imbestigasyon dahil sa ilang reklamong inihain laban kay Estrada matapos bumaba sa pwesto, ayon sa Ombudsman.

Pinagtibay din ng SC “in toto” ang June 16, 2006 decision ng Court of the Appeals (CA), na humatol na ang hurisdiksyon sa utos ng Ombudsman ay sumasaklaw lamang sa administrative disciplinary cases.

Naghain naman ng motion for reconsideration ang PNB na ibinasura ng CA noong Setyembre 20, 2006.

Dahil dito, iniakyat ng ng PNB ang isyu sa Supreme Court para sa review.

“Established is the rule that the CA has jurisdiction over orders, directives and decisions of the Ombudsman in administrative disciplinary cases only. It cannot, therefore, review the orders, directives or decisions of the Ombudsman in criminal or nonadministrative cases,” pahayag ng SC.

Binigyang-diin din nito na na-convict si Estrada sa criminal case matapos hatulang guilty sa plunder at nakulong.

“Notwithstanding, per records of this case, it was certified by the Ombudsman that ‘it appears that relative to G.R. No. 174755 entitled ‘Allied Banking Corporation v Office of the Ombudsman,’ CPL No. 01-0247 docketed as OMB-C-C-02-0614-I, is still active in the CCMS (Complaint and Case Monitoring System) database. It would seem that the investigation against Estrada et al., is still active. Hence, the need to resolve the instant case,” the Supreme Court said.It also said that “… at the time of the issuance of subpoena duces tecum addressed to petitioner, the prevailing doctrine is that the Ombudsman may examine and access bank accounts and records in aid of their investigation, even without a pending litigation.”

“Without a doubt, the Ombudsman had the authority to issue the assailed subpoena duces tecum addressed to petitioner requiring it to produce the subject bank accounts of Estrada et al.,” dagdag ng korte.

“All told, We find no reason to overturn the rulings of the CA and the Office of the Ombudsman,” patuloy nito. RNT/SA