Imbestigasyon sa C-130 plane crash sa Sulu, pinabibilisan ng CBCP, CHR

Imbestigasyon sa C-130 plane crash sa Sulu, pinabibilisan ng CBCP, CHR

July 6, 2021 @ 3:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ang Commission on Human Rights (CHR) ng pagkakaisa at mabilis na imbestigasyon sa nangyaring C-130 plane crash sa Sulu noong Linggo.

Sa magkahiwalay na statement, kapwa nagluksa ang CBCP at CHR sa pagkamatay ng 49 na sundalo at 3 sibilyan sa insidente.

“It is with great sadness that we, your bishops, received the news of the crash of a C-130 aircraft in Jolo, Sulu,” saad ng CBCP.

“As your pastors, we share the pain of loss that this recent news has brought us. We condole with the families and friends of the several soldiers and civilians who were killed by the crash,” dagdag nito.

Umapela rin ang CBCP sa mga Kristiyano, Muslim at iba pang mabubuti ang kalooban na patuloy na magkaisa sa pagdarasal para sa mga nagpapagaling sa ospital at sa pamilya ng nga nasawing biktima.

Nanawagan naman ng agarang imbestigasyon ang CHR para maiwasang maulit ang kaparehong trahedya.

“Hiling din natin na maibigay sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo at sibilyan ang lahat ng tulong at suporta na kailangan nila, kabilang silang mga nagpapagaling na nasa kritikal na kondisyon,” ang pahayag ni CHR Deputy Spokesperson Marc Louis Siapno. RNT