8-time Brazilian jiu-jitsu world champ binaril, patay

August 8, 2022 @4:06 PM
Views:
1
MANILA, Philippines – Hindi na umabot sa pagamutan at idineklarang brain dead si Brazilian jiu-jitsu great Leandro Lo, isang walong beses na kampeon sa mundo, matapos siyang barilin sa isang Sao Paulo club noong linggo ng gabi.
Ang 33-anyos na martial arts champ ay nasa labas kasama ang mga kaibigan para sa isang event sa Clube Siria, isang sports at social club sa pinakamalaking lungsod ng Brazil, nang may isang estranghero na lumapit sa kanilang mesa at nagsimulang gumawa ng mga pananakot gamit ang isang bote, ayon sa ulat.
Si Lo, na nanalo ng International Brazilian Jiu-Jitsu Federation (IBJJF) world titles sa limang magkakaibang weight classes mula 2012 hanggang 2022—isang all-time record—ay nag-pin sa lalaki sa lupa “upang itigil ang sitwasyon at maiwasan ang away,” sabi ni Siqueira .
Sinabi niya na tinulungan ng mga kaibigan ni Lo ang dalawang lalaki na tumayo at hinimok ang estranghero na huminahon at umalis.
“Sa mismong sandaling iyon, tumalikod umano ang lalaki, bumunot ng baril at binaril si Leandro sa ulo,” ayon pa sa source.
Ang jiu-jitsu champ ay isinugod sa ospital, ngunit idineklara itong brain-dead, aniya.
“Ang kanyang kondisyon ay hindi na mapabuti. Naghihintay lamang sila sa ilang mga bureaucratic na bagay upang kumpirmahin [ang kanyang pagkamatay], ngunit malabo na umano nitong mabuhay, ayon naman sa insider.
Natukoy na ng mga awtoridad ang bumaril at pinaghahanap na ito, aniya.
Nagkaroon ng pagbuhos ng pakikiramay mula sa mga tagahanga ng jiu-jitsu sa social media.JC
SB member na wanted sa estafa, nalambat!

August 8, 2022 @4:00 PM
Views:
11
ILAGAN CITY, ISABELA- Nalambat ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Isabela PFU ang isang Sangguniang Bayan Member na akusado sa kasong estafa sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.
Kinilala ni PMaj. Eric Constantino, Team Leader ng CIDG-Isabela PFU ang akusadong si Peter Jude Soriano y Barquilla, 45-anyos, may-asawa at Sangguniang Bayan member ng Roxas, Isabela na residente ng Brgy. Rizal (Pob), Roxas, Isabela.
Bilang pagtalima sa direktiba ni PCol. Reynante Panay, Regional Chief ng CIDG-RFU sa Oplan Pagtugis ay nahuli ang akusado sa pamunuan ni PMaj. Constantino.
Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa na may docketed under CC No. 40-14234 na inisyu ni Hon. Ariel M Palce, Presiding Judge, RTC, SJR, Branch 40, Cauayan City, Isabela dated July 1, 2022 ay may inirekomendang piyansa sa halagang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng ng CIDG-Isabela para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco
Department of Sports hiniling na itayo

August 8, 2022 @3:55 PM
Views:
5
MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si senior administration lawmaker sa House of Representatives para sa paglikha ng isang Department of Sports na tutugon sa iba’t ibang hamon at kakulangan sa sports programs at development sa bansa.
“Panahon na ngayon para sa gobyerno na unahin ang sports sa pambansang agenda, at isaalang-alang ang sports bilang mahalagang bahagi sa pagbuo ng bansa,” sabi ni Rep. Mikee Romero ng party-list 1Pacman, may-akda ng House Bill 335.
Ayon pa kay Romero, dapat pamunuan ng DOS ang pagpapatupad ng mga patakaran sa pagsulong at pagpapaunlad ng mga programa sa palakasan at kalusugan ng bansa at maging responsable sa pagpapahayag ng mga patakaran na makakatulong sa bansa na mapabuti ang pagganap nito sa pandaigdigang kompetisyon.
Inaatasan din itong maghanap ng mga solusyon sa mga problemang dumaranas ng mga palakasan sa Pilipinas kabilang ang kakulangan ng komprehensibong programa sa pambansang palakasan, ang pangangailangang pahusayin ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor na kasangkot sa palakasan, hindi na ginagamit na mga pamamaraan ng pagsasanay, kakulangan ng moderno at mataas na kalidad na mga pasilidad sa pagsasanay, kagamitan. at mga lugar ng palakasan.JC
Paghahatid ng tulong sa mga pamilya, indibidwal papaspasan na ng DSWD

August 8, 2022 @3:48 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Bibilisan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pagpapalabas ng tulong para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan ng agarang suporta sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Gagamitin ng departamento ang kanilang updated guidelines para rito.
Ni-review at binago kasi ng Crisis Intervention Division ang umiiral na guidelines upang masiguro ang “mabilis at mas epektibong “delivery of assistance” kaya naman mas maraming bilang ng mga benepisaryo ang makikinabang.
Sa pamamagitan ng kamakailan lamang na ipinalabas na Memorandum Circular No. 15, “the DSWD streamlined the implementing procedure; simplified the intake and eligibility forms and documentary requirements and lengthened its validity; and adjusted the rates of assistance and the corresponding approving authorities at the Central Office and Field and Satellite Offices.”
Sa bagong guidelines, nakasaad dito na isang kliyente ay sasailalim sa 3 hakbang ng kahit na anumang serbisyo at interbensyon sa ilalim ng AICS Program — screening kung saan ang kliyente ay kailangan na magpakita ng documentary requirements na iko- cross-matched sa database; interview ng social worker upang madetermina ang tamang tulong at paano iki-claim ang tulong.
“The goal is to avoid the long lines and hours of wait by our clients as if they are at our mercy just to get the simple medical request for assistance or burial and other needs,” ayon Kay DSWD Secretary Erwin Tulfo.
Para sa financial assistance na mababa sa P10,000, sinabi ng Kalihim na ang pagpapalabas ng pera ay maaaring i-proseso sa loob ng isang araw.
“For higher amounts, the assistance will be through a guarantee letter, unless other modes are necessary as may be justified by the social worker,” ayon sa DSWD. Kris Jose
Kiefer pumirma ng bagong kontrata B League

August 8, 2022 @3:43 PM
Views:
7