Imbestigasyon sa ‘Comelec hacking incident’ ikakasa ng Comelec

Imbestigasyon sa ‘Comelec hacking incident’ ikakasa ng Comelec

January 11, 2022 @ 2:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Maglalabas ng pinal na ulat ngayong linggo ang Commission on Elections (Comelec) tungkol sa umano’y pag-hack ng kanilang mga server.

Ayon kay Comelec  spokesperson James Jimenez, magpupulong ang iba’t ibang units ng poll body ngayong araw para sa imbestigasyon.

Ito ay kasunod ng inilbas na artikulo ng Manila Bulletin nitong Lunes kugnay sa umano’y hackers na nais nakawin ang files sa server ng Comelec  kabilang ang usernames at personal identification numbers ng vote-counting machines.

Nauna nang sinabi ni Jimenez na ang mga impormasyong iyon ay wala pa sa mga sistema ng Comelec dahil ang mga file na ito ay hindi pa nakumpleto.

“Actually yan nga ang nakakabahala, kasi nakikita naman natin kung bakit talaga magiging ganoon ang reaction ng taong bayan no. Pag sinabi mong may data breach sa Comelec talagang kakabahan ang mga tao,” ayon pa kay Jimenez.

Kaya naman aniya mahalaga na ma-validate ang umanoy hacking at kung sakali aniyang mali ang ulat ay mananagot ang pahayagan dahil sa paglalabas ng ulat nang walang beripikasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden