Imbestigasyon sa debate mess ‘di makaaapekto sa Halalan 2022 – Comelec

Imbestigasyon sa debate mess ‘di makaaapekto sa Halalan 2022 – Comelec

May 2, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo na hindi makaaapekto ang imbestigasyon sa scrapped presidential at vice presidential townhall debates sa preparasyon sa Halalan 2022.

Ito ang siniguro ni Commissioner George Garcia matapos irekomenda ng panel sa poll body, sa pangunguna ni Commissioner Rey Bulay, ang “temporary relief” ni James Jimenez at Frances Arabe, parehong direktor ng Comelec Education in Information Department, kasunod ng debate fiasco.

Sinabi ni Garcia na wala pang aksyon si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa rekomendasyon ni Bulay.

“Dapat dito ‘yong focus, and then kung ano man ‘yong mga problemang ganito, after na lang natin iso-solve ito dahil may tamang panahon sa mga bagay-bagay,” aniya.

Nilinaw naman ni Garcia na walang ibinigay na gag order kay Jimenez, na nananatiling tagapagsalita ng poll body.

Batay sa isinagawang imbestogasyin ng task force ni Bulay, sina Jimenez at Arabe ang nanguna sa kasunduan ng Comelec at Impact Hub, na siyang dapat mangangasiwa sa presidential at vice presidential debates.

Subalit kinansela ito matapos isiwalat ng pamunuan ng Sofitel Philippine Plaza na hindi nakabayad ang Impact Hub ng halagang P14 milyon.

Dahil dito, kinansela ng Comelec ang townhall debates at sa halip ay magsasagawa ng panel interviews, na ie-ere sa member-stations ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa linggong ito.

Ayon kay Garcia, anim lamang sa 10 presidential candidates ang kumpirmadong dadalo sa panel interviews, habang lima sa siyam na vice presidential aspirants ang makikilahok sa gawain. RNT/SA