Imbestigasyon sa depektibong VCMs, SD cards sa Halalan 2022 ikinasa ng Comelec

Imbestigasyon sa depektibong VCMs, SD cards sa Halalan 2022 ikinasa ng Comelec

May 15, 2022 @ 10:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Commission on Elections ang sarili nitong imbestigasyon sa mga palyadong vote counting machine at SD cards sa Halalan 2022, bago pa man magsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito.

Sa press briefing, sinabi ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na inumpisahan na ng poll body ang imbestigasyon bago pa man umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon nito.

Inihayag ni Duterte na mapapawi nito ang pagdududa ng publiko kahit na naniniwala siyang walang dayaang naganap sa nagdaang eleksyon.

“Even before the pronouncement of the President we already initiated the investigation of the VCMs [vote counting machines]. In fact, the national tech support center was already reviewing the tickets … inannounce po ni Comelec Commissioner [Marlon] Casquejo na nag-meeting po ang project management  office together with the DICT (Department of Information and Communications Technology ), and the Comelec advisory committee,” sabi ni Laudiangco.

“At sinangayunan ng Comelec advisory council ang move ng commission to initiate our own investigation of the VCMs,” dagdag niya.

Matatandaang naiulat ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi bababa sa 1,800 VCMs at SD cards sa 1,867 polling precincts ang natukoy na depektibo. RNT/SA