Imbestigasyon sa Halloween stampede tiniyak ng SoKor

Imbestigasyon sa Halloween stampede tiniyak ng SoKor

October 31, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


SEOUL – Ipinangako ni South Korean Prime Minister Han Duck-soo nitong Lunes ang imbestigasyon sa Halloween crush nitong weekend kung saan mahigit 150, karamihan ay mga kabataan, ang namatay.

Inilahad ng mga opisyal na 154 ang nasawi habang 149 ang sugatan, kung saan 33 ang seryoso ang kondisyon.

Libo-libong partiers ang dumalo sa masikip na mga kanto at alleyway ng kilalang Itaewon district ng Seoul nitong Sabado para sa unang “virtually unrestricted” Halloween festivities sa loob ng tatlong taon. Kabilang sa mga ito ang mga kabataan na nakasuot ng costume.

Subalit nagkagulo nang magsiksikan ang mga tao sa isang partikular na alley, ayon sa mga saks

“The government will undertake a thorough investigation into what caused this accident and do its best to make necessary institutional changes so that such an accident is not repeated,” pahayag ni Han.

“Identification has been completed for all of the 154 deceased except one, and I believe it is time for follow-up measures such as funeral procedures to be carried out in earnest,” dagdag niya. “We will do our best to provide necessary support by reflecting the opinions of the bereaved families as much as possible.”

Nagdeklara na si President Yoon Suk-yeol ng period of national mourning at ikinasa ang Itaewon na disaster zone, bumisita sa memorial altar malapit sa Seoul city at nakiramay pakikiramay sa mga biktima nitong Lunes, ayon sa kanyang opisina. RNT/SA