Imbestigasyon sa nawawalang COC ikakasa ng Comelec

Imbestigasyon sa nawawalang COC ikakasa ng Comelec

May 26, 2022 @ 10:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Commission on Elections (Comelec) na titingnan ang mga nawawalang certificates of canvass (COCs) sa ilang probinsya sa canvassing ng mga boto para sa Pangulo at Bise Presidente.

Sa isang press briefing, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na nakagawa ang provincial election supervisors (PES) ng electronic copy ng mga nawawalang hardcopy ng COCs kaya nagpatuloy sa canvassing.

Noong Martes ng gabi, ipinagpaliban ng Kongreso, na umaakto bilang National Board of Canvassers (NBOC), ang canvassing ng mga boto para sa Pangulo at Bise Presidente mula sa mga lalawigan ng Pampanga, Sultan Kudarat, at Surigao del Sur dahil sa mga nawawalang COC.

“For whatever reasons it is not acceptable to us because it is part of our general instructions in our resolution that the first copy should be put in the ballot box intended for the NBOC, for the Congress, for the canvassing the position of president and vice president,” ani Casquejo.

“So we will look into it kung ano yung nangyari. I guess inadvertently due to fatigue or whatsoever reasons but I think it is not an excuse for us because it is a clear job of our PES and election officers,” dagdag pa niya.

Gayunman, tiniyak ni Casquejo na agad na nagsumite ng mga hard copy ang mga election officer sa mga itinalagang lugar noong Miyerkules ng umaga.

Nang tanungin kung pananagutin ang election officers sinabi ni Casquejo na “So if it is justifiable naman, then pwede naman natin palipasin na lang. If not, then we will make sanctions based on our civil service rules.” RNT