Imbestigasyon sa NBP riot, pagtakas ng PDLs ikakasa ng NBI

Imbestigasyon sa NBP riot, pagtakas ng PDLs ikakasa ng NBI

January 17, 2022 @ 5:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inatasan ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) ang pagtakas ng tatlong persons deprived of liberty (PDLs) mula sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City, bandang alas-1 ng madaling araw ngayong Lunes.

Gayundin, pinaiimbestigahan ng DOJ chief ang NBP riot na naganap noong Enero 2 kung saan tatlong PDLs ang nasawi at 14 ang nasugatan.

“I will also recommend to the Office of the President that disciplinary action be taken against BuCor (Bureau of Corrections) officials who may be found guilty of gross neglect of duty,” giit ni Guevarra.

Batay sa BuCor, ang tumakas na tatlong PDLs ay “considered armed and dangerous.” Binaril nila ang hindi bababa sa tatlong corrections officers at isa pang PDL.

Sa naganap naman na riot, ang mga nasawi naman ay dahil din sa pagkakatama ng baril.

Sa parehong insidente, hindi inilahad ng BuCor kung paano at saan nakuha ng PDLs ang kanilang armas. RNT/SA