Imbestigasyon sa pagka-kalbo ng Sierra Madre, itinutulak sa Kamara

Imbestigasyon sa pagka-kalbo ng Sierra Madre, itinutulak sa Kamara

September 27, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Isang resolusyon ang inihain ni Dasmarinas Rep. Elpidio Barzaga Jr., chairperson ng o House committee on natural resources na nagsusulong na imbestigahan ang pagka-kalbo ng bundok ng Sierra Madre.

Nakasaad din sa House Resolution No. 430 na bukod sa pagsusuri sa nabanggit na kabundukan ay makapaglatag din ng mga kaukulang pamamaraan upang ito ay maprotektahan.

“There is an urgent need to determine whether human activity such as illegal logging, gold mining, limestone mining, construction aggregate quarrying, deforestation and dam construction are being conducted at the Sierra Madre Mountains,” giit ni Barzaga.

Kung ang mga iligal na aktibidad aniya ay nagaganap sa Sierra Madre ay kailangang masuri at makumpirma kung ang mga ito ay may lisensya o kaukulang permiso na iniisyu ng gobyerno.

“If indeed permits were issued, were there environmental impact assessments regarding their effect to the Sierra Madre Mountains?”

Tinukoy ng kongresista sa resolusyon ang nakasaad Article 2, Section 16 ng Konstitusyon na nagsasabing dapat gawin ng gobyerno “to protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature”.

Ang Sierra Madre Mountains o kilala rin bilang “backbone of Luzon,” ay pinakamahabang bundok sa Pilipinas na sumasakop sa kabuuang 2.8 milyong ektarya mula sa lalawigan ng Cagayan sa parteng norte, Quezon province sa south at bahagi ito 10 lalawigan gaya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna at Quezon.

Banggit pa ni Barzaga sa resolusyon na na ang “Mother Mountain Range” ang siyang nagsisilbing panangga sa bagyo at pagbaha mula sa Pacific Ocean.

Galing din dito ang tubig na dumadaloy sa Central Luzon, Cagayan Valley at Metro Manila.

“It is home to flora and fauna including the Philippine eagle and the golden-crowned flying fox. It is also home to 15 different indigenous peoples holding Certificate of Ancestral Domain Titles or ancestral domain claims groups,” ayon pa sa kongresista.

Nakapaloob din sa resolusyon ang naitulong ng Sierra Madre Mountains bilang panangga sa mga nagdaang bagyo gaya ng “Karding,” “Ompong” noong 2018, “Lawin” at “Karen.”

“Unfortunately, it has not fully protected the town of San Miguel, Bulacan from the typhoon ‘Karding’ which has experienced its worst flooding that killed five provincial anti-disaster rescuers,” dagdag pa ni Barzaga. Meliza Maluntag