Imbestigasyon sa paglobo ng presyo ng sibuyas gugulong na sa Kamara

Imbestigasyon sa paglobo ng presyo ng sibuyas gugulong na sa Kamara

January 23, 2023 @ 12:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Sa Martes, Enero 24, ay sisimulan na ng House of Representatives ang imbestigasyon nito sa kontrobersiyal na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa local merket.

Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Quezon Rep. Mark Enverga ang hearing ay sisimulan alas-9:30 ng umaga kung saan dadalo ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA).

Ang Senado ay nauna nang nagsasagawa ng kanilang hiwalay na imbestigasyon sa problema ng bansa sa sibuyas.

Sa panig ng Kamara, ipinaliwanag ni Enverga na hindi “full blown inquiry” ang kanilang gagawin kundi isa lamang “briefing”, kung saan aalamin ng mga mambabatas ang tunay na sitwasyon ngayon ng bansa pagdating sa pagproduce ng sibuyas.

Ilang resolusyon ang inihain sa Kamara na nanawagan na silipin ang nagiging problema sa supply ng sibuyas, sa House Resolution (HR) No.673 ng Makabayan bloc hinimok nito ang Kamaara na imbestigahan ang nangyayaring overpricing at price manipulation HR No.681 na inihain naman ni Marikina City 2nd district Rep. Stella Quimbo ay inaatasan ang House Committees on Economic Affairs and on Trade and Industry na silipn ang nangyayaring anti-competitive practices at cartel.

Simula sa P50 kada kilo ay lumobo na sa P700 ang kada kilo ng sibuyas sa merkado. Gail Mendoza