Imbestigasyon sa pagpaslang kay Ozamiz City RTC Judge Pintac, pinamamadali ni PDU30

Imbestigasyon sa pagpaslang kay Ozamiz City RTC Judge Pintac, pinamamadali ni PDU30

October 9, 2018 @ 11:42 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga awtoridad na madaliin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng pagpaslang kay Ozamiz City RTC Judge Edmundo Pintac na siyang may hawak sa drugs at firearms cases nina Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr.

Ani Special Assistant to the President Bong Go, sinabi ng Pangulo na dapat bilisan ang pagpapalabas ng resulta sa isinagawang imbestigasyon upang agad na maihatid ang hustisya sa mga naulila ni Judge pintac.

Ayon sa SAP chief, mabilis naman itong inaksyunan ni DILG OIC Eduardo Año, sa kautusang ng pangulo, at sinabing agad siyang bubuo ng task force na tututok sa naturang imbestigasyon.

Siniguro pa aniya ni Año na agad itong magbibigay ng update sa pangulo anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon./Kris Jose