Imbestigasyon sa PDEA-PNP shootout kukumpletuhin bago matapos ang buwan – Guevarra

Imbestigasyon sa PDEA-PNP shootout kukumpletuhin bago matapos ang buwan – Guevarra

August 22, 2021 @ 1:33 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Malapit nang matapos ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring shoot out sa pagitan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) at Quezon City police.

Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Inaasahan naman na maisusumite na ng NBI  sa DOJ ang pinal nilang report hanggang sa katapusan ng August.

Ayon pa kay Guevarra, hinihintay na lamang ng NBI ang digital forensic  examination ng  celphone  ng mga operatiba  na sangkot sa nangyaring shoot out.

“A lot of material evidence is expected to be mined from these devices’ ayon kay Guevarra.

“Aside from the tedious process of obtaining cyber warrants, our forensic investigators have had to examine meticulously an average of 22,000 pages of text messages, call logs, videos, and pictures per mobile phone.”

Maalala na nangyari ang shoot out  noong Pebrero 24  sa kahabaan ng   Commonwealth Avenue sa Quezon City, kung saan dalawa sa miyembro ng PNP, isang ahente ng PDEA at impormante ang namatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden