Imbestigasyon sa radio commentator slay ikakasa ng CHR

Imbestigasyon sa radio commentator slay ikakasa ng CHR

January 13, 2022 @ 6:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes na magsagawa ng sariling imbestigasyon ukol sa pagpatay sa Sultan Kudarat-based radio commentator na si Jaynard Angeles sa Tacurong City nitong Miyerkules.

“It is concerning how this incident has occurred just days after the start of the official election season on 09 January 2022,” pahayag ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia.

Si Angeles ay kumakandidato bilang konsehal ng kanyang bayan sa Lambayong sa Sultan Kudarat. Binaril siya ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa automobile repair shop bandang alas-10 ng umaga nitong Miyerkules.

Sinabi ni De Guia na isa itong kaso ng election-related violence at ang pagpatay sa mga mamamahayag “create a chilling effect on Philippine society and prevents the peaceful discourse of ideas in the runup towards elections.”

Kilala si Angeles sa kanyang mga komentaryo sa “Tinig ng Bayan” program sa Radyo ni Juan.

“Urgently address and anticipate media harassment and election-related violence as we near election day,” giit ni De Guia. RNT/SA