Imbestigasyon sa system glitch sa NAIA ikakasa ng Kamara

Imbestigasyon sa system glitch sa NAIA ikakasa ng Kamara

January 4, 2023 @ 7:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang imbestigasyon ang ikakasa ngayon sa Malaking Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa naganap na “system glitch” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagpasok pa lamang ng taong 2023.

Isang resolusyon ang inihain ni San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes na umuudyok sa House Committee on Good Government and Public Accountability na mag-imbestiga sa naganap na airspace shutdown sa komunikasyon, pagpapakansela sa mga flights at surveillance system para sa air traffic management (ATM) system sa NAIA noong Bagong Taon.

Sa pamamagitan ng inihaing House resolution 672 ay pagpapaliwanagin ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines kung bakit ang paano naipatupad ang shutdown sa Communication, Navigation and Surveillance System (CNS) para sa ATM na naka-apekto sa may 282 na domestic at international flights.

Giit pa ng kongresista na may sapat na pondo para mapangalagaan ang mga kagamitan at pasilidad sa paliparan at ang tamang maintenance dito at regular audit gayundin ang palagiang inspeksyon upang maiwasan ang ganitong kapalpakan.

“Whereas, given the funding – from loan and the government, implementation, and proper maintenance of the new CVS/ATM System, regular audit and assessment of its capability, the shutdown and susbtantial risks to national security could have been prevented and avoided, thousands of flight passengers would not have been stranded and inconvenienced, and there should have been no substantial to the tourism and aviation industries during New Year’s Day of 2023,” ayon sa resolusyon.

Samantala isinulong naman ni Northern Samar Rep. Paul Daza na kailangang paghiwalayin na ang “regulatory at commercial functions” ng CAAP matapos ang aniya’y “fiasco” sa paliparan.

“We are assured that an investigation is already being done, however that is also problematic because it’s the same agency investigating its own.The recent fiasco at the NAIA clearly signals the need to separate the regulatory and commercial functions of the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).”

Banggit pa ng kongresista na hindi na dapat maulit pa ang pagka-stranded at malagay sa alanganin ang buhay ng may 70,000 pasahero.

Aniya, ang CAAP ay nilikha sa pamamagitan ng “Act Creating the Civil Aviation Authority of the Philippines” noong 2008 ngunit sabay na gagampanan nito ang “commercial and regulatory functions” na posibleng pagmulan ng conflict of interests.

“Many have already spoken and, most likely, everyone is right. There seems to be negligence but the more critical question is, ‘How can we ensure objectivity in the investigation if CAAP is the one investigating itself?,’” giit ni Daza. Meliza Maluntag