Imbestigasyon sa water crisis, sisimulan na ng Kamara sa Lunes

Imbestigasyon sa water crisis, sisimulan na ng Kamara sa Lunes

March 17, 2019 @ 12:34 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Gugulong na sa Lunes, Marso 18, ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa nararanasang water crisis.

Ang Joint hearing ang isasagawa ng Kamara na pangungunahan ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development ni  chairman Alfredo Benitez.

Ayon kay Castelo gagamitin ng Kamara ang oversight function nito para protektahan ang kapakanan at interes ng publiko.

Ani Castelo tutukuyin sa gagawing House Inquiry  kung bakit may krisis, ano ang mga dapat gawin at hanggang kailan ito.

Layon din na idermina ang impact sa mga consumers ng pagkawala ng tubig at aalamin din ang kalidad ng sinusupply na tubig ng mga water concessionaires.

Kabilang sa inaasahang dadalo sa imbestigaayon ng Kamara ang mga kinatawan ng Maynilad, Manila water at mga opisyal ng ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa pagtiyak ng maayos na supply ng tubig./Gail Mendoza